Para ‘di magselos si mister

Dear Dr. Love,

Isa akong sales agent ng mga condo units at house and lot. Panay ang selos ng mister ko dahil sa mga out of town ko.

Ang ginawa ko, binilhan ko siya ng latest na motor para tumigil sa pagdududa. Masaya naman siya. Konti na lang ang  parinig. Kaya sinabihan ko sna sa susunod kapag pinapayagan niya akong mag-tripping sa malayo, bibilhan ko siya ng four wheels. Pero nagdadalawang-isip ako, baka mamihasa dahil can afford naman.

Ces

Dear Ces,

Ok lang naman na binibilhan mo ang mister mo ng mga personal need niya.

Basta malinaw sa kanya na hindi lang iyon dahil pinapayagan ka niya, kundi binibigay mo ‘yun dahil mahal mo siya. Dapat nga naiintindihan niya na trabaho lang ang tripping mo, walang personalan.

Lagi ka lang ma-ging mapagpasensiya at maging malambing. Maglaan ka ng time sa mister mo para ‘yung mga araw na wala ka ay hindi siya nag-aalala.

DR. LOVE

Show comments