^

Dr. Love

Pagluha ng isang ama

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Simula nang mai-stroke  ako hindi ko na natulungan ang asawa ko. Noong una ako ang inaalagaan niya, pero nagkasakit din siya, nagka-colon cancer siya. Dalawa kaming sabay na may sakit. Hindi ko alam kung bakit naging malamig ang pakikitungo sa akin ng aking mga anak.

Hanggang sa nauna pang namatay ang misis ko. Lalo lang naging mareklamo ang aking mga anak. Hindi ko alam kung ako pa ang sinisisi nila sa pagkawala ng aking asawa.

Napakasakit sa akin ang mangulila sa aking asawa. Nagpapagamot pa rin ako at nagpapa-therapy. Kaso minsan kailangan pang lumuha ako para matulungan ako ng aking mga anak. Hindi ko naman sila magising sa gabi kapag nagugutom ako. Kapag magpapalit ng damit kahit hindi ko kayang mag-isa, pinipilit ko.  Kapag iihi o dudumi ako, hindi ko pa rin kayang mag-isa.

Alam ko na nahihirapan na rin sila sa pag-aalaga sa akin. Pero hindi ko naman ginusto ang kalagayan ko ngayon. Naluluha na lamang ako kapag ako ay nag-iisa sa maghapon na walang kasama dahil nagsisipasok sa trabaho at school ang aking dalawang anak. Ayokong isipin na pinababayaan nila ako pero iyon ang aking nararamdaman.

Johnny

Dear Johnny,

Hindi makakatulong sa iyo ang negative thoughts. Hangga’t maaari tulungan mo ang iyong sarili. Labanan mo ang iyong lungkot. Kung nararamdaman mong napapagod ang iyong mga anak na intindihin o asikasuhin ka, tulungan mo ang iyong sarili. Tama ang ginagawa mo, mahirap pero makatutulong din sa iyo na maging malakas ang kalooban mo.

Ipagdasal mo ang iyong pumanaw na asawa kung sakaling maalala mo siya. Hindi mo na maibabalik ang nakaraan. Kaya hangga’t maaari iwasan mo ang sobrang awa sa sarili. Tibayan mo ang loob mo. May awa ang Diyos sa mga taong tulad mo. Patawarin mo ang iyong mga anak at ipanalangin na na mabuksan ang kanilang diwa at patuloy na arugain ka.

DR. LOVE

STROKE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with