^

Dr. Love

Iniwang single mom, Master’s degree holder na

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Iniwanan ako ng mister ko during pandemic. Akala ko noon hindi na ako makakaahon. Mabuti at may trabaho ako. Tinulungan ko ang aking sarili na maging masaya sa kabila ng pag-alis niya sa amin.

Mahirap ang maging isang single mom. Iniwanan ako sa ere. Lahat ng pangarap ko noon ay biglang naglaho pero hindi ako sumuko.

Nang iwanan niya kami, nag-aral pa rin ako. Natulungan ako ng aming barangay na mag-apply sa single mom benefits bilang tulong ng ating pamahalaan.

Nakakuha rin ako ng scholarship para sa aking master’s degree. Hindi ako napapagod sa kabila ng nagdurugo kong kalooban. Ibinuhos kong lahat ang sarili ko sa pag-aalaga sa anak namin at sa online class ko. Ngayon graduate na ko sa master’s degree ko. Balak ko namang ituloy ang aking Phd.

Kung babalikan man ako ng mister ko ngayon, hindi ko na siya tatanggapin. Mahirap limutin ang aming mga nakaraan pero hindi ko panghihina-yangan ang magandang kinabukasan namin ng anak ko.

Masakit pa rin hanggang ngayon pero hindi na siya kawalan.

Larra

 

Dear Larra,

Hanga ako sa katatagan ng kalooban mo. Kung makipag-communicate pa ang mister mo, panagutin mo siya sa kanyang obligasyon sa inyong anak. Ngunit kung ayaw mo ay ikaw ang masusunod.

Sinayang ng mister mo ang pagkakataong mapatunayan niya sa anak ninyo na isa siyang ulirang ama.

Tuloy lang ang pakikipaglaban sa buhay. Magpasalamat ka sa mga tumutulong sa iyo. Huwag mong isipin na ang tagumpay mo ay bilang ganti sa ginawa ng mister mo, bagkus ito ay alang-alang sa buhay ninyo ng iyong anak.

Congrats at looking forward sa future career mo.

DR. LOVE

vuukle comment

DR. LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with