Wala siyang katulad

Dear Dr. Love,

Mula nang mamatay ang misis ko five years ago, nadarama ko pa rin ang sakit ng kanyang pagkawala. Walang kaparis ang kabaitan niya sa anim na taon naming pagsasama. 

Namatay siya sa pagsisilang sa una naming anak na ang birthday ay araw din ng kamatayan ng mahal kong asawa.

Isang bibong anak na lalaki ang iniwanan niya sa akin na ngayo’y limang taong  gulang na.  31 anyos pa lang ako at mayroon nang girlfriend na hindi ko maatim na pakasalan dahil ramdam ko’y pagtataksilan ko ang aking asawa. 

Kahit girlfriend ko siya, hindi ko maramdaman and intensity ng pagmamahal ko sa yumao kong misis. Niyayaya na niya akong magpakasal at ang sabi ko’y paghahandaan ko pa.

Ano ang dapat kong gawin?

Mulong

Dear Mulong,

Nagiging unfair ka sa kasintahan mo na nagnanais ding bumuo ng pamilya kaya niyayaya kang magpakasal.

Para saan at ginawa mo siyang kasintahan, parausan? Mali. Kung wala kang pag-ibig sa kanya, hiwalayan mo na lang siya kaysa paasahin. 

Pero kung ang inaakala mo ay ang sumbat ng iyong budhi dahil baka magdamdam ang yumao mong asawa, walang pagkakamali kahit magpakasal kayo dahil patay na ang misis mo.

Sa harap ng batas ng tao at Diyos, malaya ang isang biyudo o biyuda na mag-asawang muli.

Dr. Love

Show comments