Dear Dr. Love,
Tawagin mo na lang akong Marty, 20 anyos and deep inside me, batid ko na hindi lubos ang aking pagkalalaki.
Pinipigil ko ang damdaming ito na alam ko na hindi normal.
Gusto ko rin kasing makapag-asawa at magkaroon ng anak.
Noon po kasing nasa elementary ako ay biktima ako ng pangmomolestya ng isang teacher na lalaki.
Lagi niya akong hinihipuan kapag walang nakakakita hanggang ito ay naa-appreciate ko na.
Nagkakagusto pa rin ako sa babae pero parang ginising ng teacher na ‘yun ang aking pagnanasa sa kapwa lalaki.
Hindi ko alam kung mawawala pa ang damdaming ito. May paraan ba para maglaho ito?
Marty
Dear Marty,
Marahil may magagawa sa problema mo ang isang clinical psychologist o psychiatrist. Palagay ko ay tama ka.
Dahil sa karanasan mong maabuso ng iyong teacher ay nagkaroon ka ng ganyang damdamin.
Mabuti naman attracted ka pa rin sa mga babae dahil nangangahulugan na hindi lubos ang iyong pagka-pusong babae.
Manalangin ka at hingin ang intervention ng Diyos para mawala ang problema mo. Ang taimtim na pagsisisi at pagtanggap kay Jesus bilang tagapagligtas ay tiyak kong makapagpabago sa iyo.
Dr. Love