Dear Dr. Love,
Ako po si Gerald, 26 anyos, binata pa at walang girlfriend. Hindi po ako makapangahas manligaw dahil natuklasan ko na sa gulang kong ito’y walang sapat na paninindigan ang aking pagkalalaki.
Nakakadama ako ng sexual arousal pero kapag tinatangka kong magparaos, ayaw tumindig ang aking pagkalalaki. Noong araw ay hindi naman ako ganito. Napuna ko lang ang depektong ito nang ako ay 21 anyos na.
Para lang subukan ko ang aking kakayahan, nagpunta ako sa isang babaeng bayaran pero pinagtawanan ako nang hindi tumayo ang aking pagkalalaki.
Gusto ko ring mag-asawa at magkapamilya pero baka masira lang ang relasyon ko sa mapapangasawa ko. Ano ang gagawin ko?
Gerald
Dear Gerald,
Nakapagtataka kung bakit sa mura mong edad ay hindi ka na tinatayuan. Hindi ako medical doctor pero sa pagkakaalam ko, dalawa ang rason kung bakit nagkaka-erectile disfunction ang lalaki. Maaaring psychological o physiological.
Sa aspetong psychological, puwedeng nagkaroon ng isang masaklap na karanasan sa sex ang lalaki kaya tuwing maaalala niya ito, lumulupaypay ang kanyang sandata. Sa kasong iyan, sumangguni ka sa isang psychiatrist.
Sa physiological aspect, puwedeng may diabetes ka kaya hindi nakadadaloy sa iyong ari nang normal ang dugo mo kaya ayaw tumigas ang iyong pagkalalaki. Doktor din ang puwedeng lumutas sa problema mo.
Kaya ang tanging payo ko ay magpatingin ka sa eksperto.
Dr. Love