^

Dr. Love

‘Di pa sure sa suitor

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Ako po si Lady G. Isa po akong artist painter. Nag-resign ako sa work ko dahil gusto kong mag-full time artist. Ok naman ang kita ko, ‘yun lang...talagang seasonal. At kailangan kong gumagawa ng maraming paraan para kumita.

Nabebenta naman ang mga paintings ko at natutustusan ko ang sarili ko sa mga gastos ko araw-araw.

Dalaga pa ako. Ito nga ang gusto ko sanang mangyari, ang magkapag-asawa pero hindi pa ako sure sa nanliligaw sa akin.  Isa rin siyang artist pero kasama siya sa isang kilalang dance group.

Ang kinakatakot ko lang, baka kapag naging kami na at syempre ang nasa isip ko ay hindi na ‘yung mababaw na relationship.

Gusto ko sana ‘yung magiging kami na. Pero parang hindi pa siya ganoon kaseryoso.  Ang worry ko lang, baka maging komplikado ang buhay namin at marami siyang gustong sundin ko. Lalo na kung patigilin na niya akong mag-paint.

Lady G

Dear Lady G.,

Mainam kung nagkakaunawaan na kayo. ‘Yang mga worries mo ay pwede mong sabihin sa kanya para alam niya ang gusto mo kapag sinagot mo na siya.

Nasa sa inyo ang ikagaganda ng inyong pagsasama. Dapat lang naman na umiral ang suporta ninyo sa mga talents ninyo. Magkaiba man, pero parehong tungkol sa sining.

Hindi naman mangyayari ang mga pina-ngangambahan mo kung mahal ninyo talaga ang isa’t isa.

Sabi mo nga, gusto mo ng kasama sa buhay. Kung siya na ang lumalapit sa iyo ay sagutin mo na.

Kapag mahal ka naman niya, malamang na hindi ka niya pababayaan.

DR. LOVE

vuukle comment

SUITOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with