Dear Dr. Love,
Alam kong mali ang nadarama ko ngunit hindi ko maiwaksi sa aking isip. Tawagin mo na lang akong Lance, 57 anyos, may asawa at tatlong anak.
Umiibig ako sa pamangkin ng aking misis. Nagsimula ito nang siya ang naging tagapag-alaga ko nang ma-mild stroke ako.
Dahil physical therapist, siya ang nag-rerehab sa akin at palagi akong minamasahe.
Noong una ay wala akong maramdaman alab ngunit habang gumagaling ako, hinahanap ko na ang kanyang mga paghaplos sa aking katawan.
Kahit alam kong normal na ang pakiramdam ko, gusto ko na ituloy niya ang kanyang ginagawa.
May asawa na rin siya na hindi niya kasama kung pinupuntahan ako.
Minsan ay nakakahalata na siya dahil sa pagkapit ko sa kanyang tuwing minamasahe ako. Sinabihan niya ako nang “tito, iba na iyan.”
Ano ang gagawin ko para mapawi ang damdamin kong ito?
Lance
Dear Lance,
Ang pinakamabuting magagawa mo ay aminin mong magaling ka na at hindi mo na kailangan ang therapy.
Mahirap na dahil dalawang bagay ang maaaring mangyari.
Either mapaibig mo siya at magkaroon kayo ng bawal na relasyon o baka hindi mo mapigilan ang iyong panggigigil at magawan mo siya ng masama.
Isipin mo lang ang mga consequence na iyan at ikaw na ang gagawa ng paraan para maputol ang masamang nasa mo sa kanya.
Hindi love ang nadarama mo kundi pagnanasa.
Dr. Love