^

Dr. Love

Hinintay lang matapos ang kasal

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr Love,

Ako po si Nina. Dapat hindi na muna namin itutuloy ang aming kasal dahil naging malala na ang sakit ni tatay. Halos naihanda na namin ang lahat ng aming kailangan, ang kulang na lang ay ang mga gown na aming susuotin.

Pero plano na namin na sa susunod na taon na lang kami magpakasal. Isinasaalang-alang po namin ang kalagayan ni tatay.

Pero bilin niya, ituloy namin ang kasal. Gusto niyang makitang ikinakasal kami. Kaya kahit doble ang gastos, tiinuloy pa rin namin ang kasal.

Hindi na makatayo si tatay dahil lumalala na ang pamamaga ng kanyang paa at kamay dahil sa diabetes.

Malaki rin ang ginastos namin na pambayad sa ospital at gamot.

Nag-adjust kami dahil konti na lang ang natirang pera namin para sa catering at binawasan na rin namin ang bilang ng dadalo. Ang mga gown ay pinasalo na namin sa mga abay. Sila na ang bahala sa gastos.

Gabi bago ang aming kasal sinabi ni tatay na pwede na siyang mamatay pagkatapos ng selebrasyon. Hindi ko napigilang maluha dahil talagang hinintay lang niya ang araw ng kasal namin. Ayaw ko siyang mawala sa kasal namin pero talagang hindi na niya kaya.

Balot ng saya at lungkot ang okasyon habang naaalala ko ang kalagayan niya.

Totoo nga, dalawang araw pagkatapos ng kasal namin nagpaalam na si tatay. Hinalikan niya ako at binasbasan niya kaming dalawa. Nalulungkot ko man ako pero kailangan namin magsimula ng aming pamilya ng mister ko.

Nina

Dear Nina,

Nakikiramay ako sa pagkawala ng iyong ama. Minsan kahit hindi kapanipaniwala pero nangyayari.

Tulad ng pagpapaalam ng iyong ama. Sa-dyang pinahintulutan ng Diyos na maabutan pa ng tatay mo ang inyong kasal. Napakahalaga ang blessing niya sa inyo. Patunay na mahal niya kayo at hangad niya ang magandang kinabukasan ng iyong bagong pamilya.

Bilang mabuting anak, huwag mong kalilimutan ang mga bilin at itinuro niya sa inyo. Pagpalain  kayo ng Maykapal at mabuhay kayo ng may kapayaan at kasaganahan.

DR. LOVE

NINA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with