Dear Dr. Love,
Tawagin na lamang ninyo akong Che. Gusto ng mama ko, sagutin ko na ang mayaman na nanliligaw sa akin. May dating naman at may datung. Pero ayoko ng masyadong seryosong lalaki.
Ilang beses na akong inaayang mag-date kasama ang mama ko. Kapag tumatanggi ako, si mama ang nilalapitan niya para matuloy ang date.
Minsan nga biniro ko si mama, na siya na kaya ang sumagot sa lalaking iyon. Ang sabi niya, ano pa ba ang hahanapin ko, halos mag-aksaya ng pera para lang sa isang araw na date namin.
Panay branded ang mga inireregalo niya sa akin. Kahit ganito lang ang beauty ko, ayaw ko naman siyang sagutin kung wala akong nararamdaman para sa kanya.
Kaya ko siya ini-entertain dahil malapit ang pamilya nila sa amin. Gusto rin ni mama ang ugali niya.
Kaso nag-aalangan ako, kasi hindi siya marunong tumawa. Lagi siyang seryoso at parang mabo-bored akong kasama siya.
Gusto ko kasi ‘yung lalaki na simple lang at masayahin. Kahit corny pero masaya. Ano po sa palagay ninyo?
Che
Dear Che,
Kung ayaw mo talaga, ano naman ang magagawa ng mama mo? Hindi naman siya ang makikisama sa tao.
Ang mas mainam, ipaunawa mo sa mama mo ang tipo mong lalaki at huwag ang gusto niya para sa iyo. Mauunawaan ka nun. Ipag-pray mo na makatagpo ka ng talagang para sa iyo.
DR. LOVE