^

Dr. Love

Naririndi sa kakadakdak

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Ako po si Pogi. Paano po ba mapipigilan sa kakadakdak ang misis ko. Parang walang kapa-guran sa kakaangal at laging tamang duda.  Kasi ‘yung kumare niya eh lagi niyang nakakakwentuhan tungkol kay kumpare.  Lagi raw nahuhuli na may ka-chat. Hayun laging nag-aayaw silang dalawa. Eh, minsan nga raw nagkaharap pa sila ng kabet ni kumpare. Talagang sinabunutan at pinagkakalmot daw niya.

Itong misis ko naman laging akong kinukumpara kay kumpare. Lagi tuloy akong nadadamay. Kahit wala naman akong ginagawa.

Syempre kaibigan ko si kumpare,madalas  kainuman ko siya pero wala akong pakialam sa kabet niya. Makulit din kasi itong kumare namin. Lagi ring madakdak. Tama lang na sila ang magkasundo ng misis ko.

Minsan nagalit na talaga ako sa misis ko dahil panay ang silip sa cellphone ko at panay ang tawag kahit nasa trabaho pa ako.

Kahit naman may magkagusto sa akin, ayoko na ring pumasok sa mga gusot na pinasok ni kumpre. Eh, ngayon pa nga lang nabubwiset na ko sa kakadakdak ni misis. Kung gagayahin ko si kumpre baka mas masahol pa ang mangyari sa akin.

Syempre pamilyado na ako, kaya ayoko na rin magkaroon pa kami ng problema lalo na sa mga anak ko.  Kaso talagang naririndi ako sa kakadakdak ni misis.

Pogi

Dear Pogi,

Mainam na umiwas ka muna kay kumpare mo para hindi ka napapahamak. Bago mo gawin iyon, sabihan mo rin siya na didistansiya ka muna.  Para naman makita ng misis mo na may ginagawa kang paraan para hindi ka matulad sa kumpare mo.

Anyway, kapag nakampante na ang misis mo at masigurado niyang faithful ka ay mababawasan din ang kakadakdak niya.

Sa ngayon, malamang matindi pa ang duda ng misis mo sa iyo. Kaya mainam din na kausapin mo siya at sabihin mong magtiwala lang siya sa iyo na hindi mo gagawin ang ginagawa ng kumpre mo.

DR. LOVE

POGI

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with