Galit pa rin ang ina

Dear Dr. Love,

Ako po si Leslie. Ayaw ng ina ko na mag-asawa ako dahil may pinapaaral pa ako, itong bunso naming kapatid. Kaya nang malaman niyang buntis ako, nanlumo siya.

Bakit ngayon ko pa raw naisipang lumandi. Masakit pero hindi ko siya masisi. Sinabihan ko naman ang bf ko na huwag siyang masyadong mapusok pero hindi nagpapigil.

Ito ngayon, galit na galit si ina dahil wala naman silang inaasahan na maibibigay ng ama ko dahil may pamilya na siyang iba. Gusto ko man humingi ng tulong sa kanya parang sa pamilya niya palang ay wala rin siyang matustos.

Minsan nga sa akin pa siya nagtatanong kung may maibibgay ako sa kanya.

Saklap lang dahil gusto ko na ring magkaroon ng sarili kong pamilya, pero hindi ko magawa.

Gusto sanang ipalaglag ni ina pero hindi kami payag ng bf ko.

Nangako naman siyang pananagutan niya ako at tutulong pa rin kami sa pagpapaaral sa bunso kong kapatid.

Pangatlong buwan na ng pagdadalang-tao ko. Ayokong madamay ang bata sa nararanasan kong stress ngayon. Galit pa rin si ina sa akin. Hindi ko naman sila maiwan, kung bubukod ako paano na sila?

Leslie

Dear Leslie,                                             

Ang mga problema sa pananalapi ay maaa-ring magdulot ng malaking diin sa mga pamilya, na nakakaapekto sa mga relasyon, emosyonal na kagalingan, at pangkalahatang kalidad ng buhay.

Kapag ang isang pamilya ay nahaharap sa mga hamon sa pananalapi, maaari itong maging napakalaki at humantong sa mga pakiramdam ng kawalan ng katiyakan at pagkabalisa.

Ganyan ang nararamdaman ng ina mo sa ngayon.

Sa halip na iwanan mo ang iyong pamil-ya, dapat lang na tulungan ninyo siya.

Alam naman natin na ang epekto ng mga kahirapan sa pananalapi ay maaaring tumagos sa bawat aspeto ng buhay ng pamilya.

Tulad ng nangyayari sa inyo. Pakiusapan mong mabuti ang iyong bf na tulungan kang maging maayos ang lahat. 

Tandaan mo ang mga problema sa pananalapi ng pamilya ay hindi dapat ma-ging sanhi pa ng isang pagkakamali.

Buntis ka at huwag mo nang idamay pa ang bata.

Sa pamamagitan ng pagtutulungan, malalagpasan ng pamil-ya ang mga problema sa pananalapi.

Huwag kang mawalan ng pag-asa. Darating ang panahon na mauunawaan ng ina mo ang hangad mo na makapag-asawa na.

DR. LOVE

Show comments