Dear Dr. Love,
Hindi ko alam kung kailan matatapos ang problema ko sa mister ko. Mahilig sa alak at kapag nalasing na ay nagwawala. Puro gulo na lang ang nasasangkutan niya.
Nitong huli, sa burol nakipag-inuman siya habang nasusugal. Nung natatalo na, big-lang uminit ang ulo. Kwento ng mga nasa burol, tahimik lang sila nun, bigla na lang nagmura ang mister ko. Dinadaya na raw siya ng kalaro niya. Eh, ‘di gulo na naman. Mabuti at naawat sila agad.
Hay naku! Ilang beses ko ba siyang babantayan para hindi siya mapahamak. Sumasakit na ang ulo ko, gusto ko nang lumpuhin para matigil dito sa bahay.
Dati medyo bata-bata pa siya, kayang kaya niyang saluhin ang mga suntok at palo sa kanya ng mga kaaway niya. Pero ngayon, nagkakaedad na siya, medyo mahina na ang mga buto niya. Eh, baka isang araw bumulagta na lang siya sa harapan ko.
‘Yun ang kinakatakot ko.
Marie
Dear Marie,
Huwag kang magsasawang paalalaha-nan siya. sa pakikipag-away tatlo lang ang maaari niyang kahantungan: ospital, kulungan o kaya sementeryo.
Palala rin sa lahat ng manginginom, walang buting idudulot ang sobra-sobrang alak sa inyong katawan.
Maiksi lang ang ating buhay sa mundo, kaya huwag na-ting sayangin sa mga bagay na walang kabuluhan at hindi makatutulong sa atin at sa ating pamilya.
Kung anuman ang mangyari sa inyo, damay rin ang inyong pamilya.
Dapat live in peace,delikado kapag lagi kang ma-tapang baka ma-rest in peace at humabol ka pa sa araw ng mga patay.
Habang may time pa tigilan na ang alak.
DR. LOVE