Gayuma para sa crush
Dear Dr. Love,
Tawagin na lamang akong Miko. Gusto ko na sanang bumili ng panggayuma. Kasi hindi ako mapansin ng crush ko. Kapitbahay namin siya pero kapag nagpapapansin ako, laging dedma lang siya.
Hindi naman siya suplada pero ewan ko, kinakabahan ako kapag papalapit na siya sa bahay namin. Kaya talagang inaabangan ko ang pag-uwi niya galing sa work. Minsan kunwari bibili ako sa tindahan para masabayan ko lang siya.
Sobrang kaba ko kapag may kausap siyang iba. Feeling ko lalapitan niya ako pagkatapos nila mag-usap.
Isang beses ko pa lang siya nakausap ng matagal, hinabol siya ng aso ng kapitbahay namin. Nakakuha ako ng dahilan para magkausap kami.
Kung bibili naman ako ng gayuma hindi ko alam kung paano ko rin magagamit iyon. Eh, siguro ang kailangan ko pampakalma para matigil ang nerbyos ko kapag nakikita siya. Hindi pa nga ako nagkakape nun. Siguro kung wala pang kape, lalo na akong natulala sa nerbyos.
Itutuloy ko po ba ang pagbili ng gayuma para kung sakali ay maging malakas ang loob ko at mahumaling siya sa akin?
Miko
Dear Miko,
Iho, wala sa gayuma ‘yan. Hindi ka nakakasiguro kung talagang epektibo ang mabibili mong gayuma. Baka sa halip na gayuma, eh magoyo ka lang ng bibilhan mo.
Ang mabuti pa tulungan mo ang sarili mo na magkaroon ng self-confidence. Bumili ka na lang ng mga book on self help. Para subok na magagamit mo sa buhay, hindi lang sa panliligaw. Kung buo ang loob mo, wala kang dapat ikatakot.
Ang ayaw lang ng mga babae ang pasikat na lalaki, mayabang at over confident. Kung ang dating mo ay maginoo, tiyak na mahuhulog ang loob sa iyo ng mga babae.
Kung hindi man ang crush mo ang makakapansin sa iyo, may ibang babae ang tiyak na hahanga sa iyo. Tuloy mo lang ang pag-improve ng sarili mo, Positive vibes, tipong maginoo at magalang.
DR. LOVE
- Latest