^

Dr. Love

Bayaw na abnoy

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin mo na lang akong Rosal, 23 anyos at may asawa. Maasikaso at mabait ang aking asawa pero wala pa kaming anak matapos ang dalawang taong pagsasama.

Nagpasuri na kami sa doktor at wala naman kaming diprensya pareho.

Ang problema ko ay ang aking bayaw na may pagka-abnoy, nakababatang kapatid ng mister ko. Madalas akong tsansingan lalo na kapag nasa trabaho ang mister ko. Nag-aaral pa ang bayaw ko sa isang special school, pero umuuwi ng bahay kung tanghali.

Pinagsabihan ko na siya sa ginagawa niyang pambabastos sa akin pero ngingisingisi lang siya kahit binalaan ko na isusumbong ko siya sa kuya niya,

Dumating ang panahong nagdalantao ako, salamat sa Diyos. Salamat at nakuha ito sa panalangin.

Sikreto akong kinausap ng bayaw ko at nagulat ako sa malaking kasinungalingan na balak niyang gawin.  Kung hindi ko raw siya pagbibigyan na makatalik kahit minsan, sasabihin niya sa kuya niya na may relasyon kami at siya ang ama ng dinadala ko. Para siyang ulol na nakangisi. Sinumbong ko siya sa kuya niya sa sinabi niyang ‘yon. Kumampi sa akin ang mister ko dahil alam niyang may pagka-abnoy ang kapatid niya.

Gusto ko na paalisin na ng asawa ko ang kapatid niya aming bahay, pero sabi ng asawa ko ay responsibilidad daw niya ito dahil ulila na silang lubos. Ano ang dapat kong gawin?

Rosal

Dear Rosal,

Special child ang bayaw mo, ano man ang klasipikasyon ng kanyang abonormalidad. Pagtiisan mo na lang siya at umiwas sa kanyang pananyansing. Tama ang asawa mo. Hindi niya puwedeng abandonahin ang kanyang kapatid.

Special care ang kailangan ng mga taong hindi ganap ang deve-lopment ng kaisipan at kung kadugo mo siya, gaano man siya kabigat dalhin, kailangan mo siya pasanin.

Kailangang damayan mo ang iyong asawa sa hirap man o ginhawa. ‘Yan ay kapwa ninyo sinumpaan ng kayo ay ikasal.

Dr. Love

ROSAL

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with