Dear Dr. Love,
Tawagin na lang po n’yo akong Verna, 30 anyos, may asawa.
Nabuntis ako matapos ang limang taon naming pagsasama ng aking mister.
Pero nalaglag ang bata matapos akong saktan ng asawa ko.
Walang katuwiran at labis kung magselos ang asawa ko. Pagdating niya ng bahay at makikita niyang nakaayos ako at mabango, sasabihin niyang siguro ay may kinatatagpo akong lalaki.
Ni minsan ay hindi ako nagtaksil o nakaisip na pagtaksilan siya.
May takot ako sa Diyos at hindi ko gagawin ang ganoon.
Isang araw, nakiusap sa akin ang isang nagri-reading ng Meralco na kung puwedeng makigamit ang cr. Pumayag ako.
Nang papalabas na siya ng bahay, parating naman ang mister ko. Nang makita siya ng mister ko ay binulyawan siya at pinagbinta-ngang lalaki ko.
Napahiya ako sa lalaki.
Doon niya ako sinaktan hanggang duguin ako at nalag-lag ang sanggol na dinadala ko.
Hindi ko na matiis ang kanyang ugali. Ano ang gagawin ko?
Verna
Dear Verna,
Buwang ang asawa mo. May paranoia.
Hindi kita masisisi kung ikaw ay hindi na makatiis sa kanyang sobrang pagseselos. Ok sana kung selos lang.
Pero ang pagbuhatan ka ng kamay ay isang kasong pwede mo siyang idemanda. Kung ako ikaw, ‘yan ang gagawin ko.
Buti pa ikonsulta mo siya sa psychiatrist at baka magamot pa iyan.
Kung hindi na, last resort ang annulment dahil isang dahilan ang pananakit para mapawalang-bisa ang kasal.
Dr. Love