Dear Dr. Love,
Hindi sa pagyayabang, pero ang naging asawa ko ay pang-beauty queen ang arrive. Matangkad, balingkinitan, sexy ang katawan at ang mukha ay hawig kay Ivana.
Pero noon ‘yun. “Ivana” ngayon after five years ng aming pagsasama at nang magkaroon kami ng isang anak. Naging “Daviana” na siya.
Working mom siya bilang teller sa isang bangko. Ang timbang niya ay umaabot na ng 200 pounds samantalang ako ay 120 pounds lang. Halos pareho kaming height na 5’10 kaya kapag magkasabay kami ay para kaming number ‘10’.
Hindi naman siya matakaw pero lahi daw nila ang obesity. Ang nanay niya ay mataba at ang ibang pinsan.
Mula nang lumobo siya ay nabawasan na rin ang gana niya sa pakikipagtalik pero pinagbibigyan niya ako.
May pag-asa pa ba siyang bumalik ang kaseksihan?
Jobart
Dear Jobart
Kakatwang abnormalidad ang obesity. Kahit matumal kumain ay tumataba.
Sadly, wala akong maipapayo dahil isang medical condition iyan na hindi saklaw ng a-king pinag-aralan.
Ipatingin mo siya sa doktor at baka may remedyo pa sa kanyang kondisyon.
Samantala, ano pa man ang korte ng katawan niya, huwag sanang magbago ang pagmamahal mo sa kanya.
Mahalaga ang pagkonsulta sa doktor dahil ang katabaan ay pwedeng magdala ng malubhang karamdaman.
Dr. Love