^

Dr. Love

Nagpapakita ng motibo ang ex

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin n’yo na lamang po akong Rigor, 25 taong gulang. At malapit na po akong ikasal sa best friend ng ex ko. Matagal naman nang ok ‘yung sitwasyon naming tatlo. Mahigit isang taon na rin naman kaming hiwalay ng ex ko bago naging kami ng kaibigan niyang si Carla.

Maloko rin po kasi ‘yung ex ko. Mahilig gumimick sa mga bar at madalas inaabot na ng madaling araw bago umuwi.

Sa maraming pagkakataon, ako pa ang sinisisi ng mga magulang niya kahit na wala rin akong alam kung asan ang anak nila dahil hindi naman siya nagsasabi sa akin.

Ang akala ko po ay tanggap na talaga ng ex ko ang pagpapakasal namin ng kaibigan niya. Matagal na rin naman kasi kaming mag-syota ni Carla. At isa pa, alam naman niya na siya ang may kasalanan kung bakit kami nagkahiwalay.

Pero ngayon po ay nagpapakita siya ng motibo sa akin. At parang gumagawa pa siya ng paraan para magkagalit kami ni Carla.

Sa totoo lang, muntik ng may mangyari sa amin kung hindi lang dumating si Carla.  Hindi ko na halos mapigilan ang sarili ko. Mabuti hindi ko pinatulan ang pang-aakit niya.

Ayoko na po talaga sa kanya dahil wala na rin akong tiwala.

Ang kinakatakot ko, baka hindi niya kami tantanan dahil alam kong may pagtingin pa rin siya sa akin.

Rigor

Dear Rigor,

Dapat ngayon pa lang ay magawan mo na ng paraan para matigil na ang pang-aakit sa iyo ng ex mo. Hindi biro ang panganib na nakaabang sa iyo bilang isang husband sa future wife mo.

Kung hanggang ngayon ay hindi pa rin niyang tanggap na mag-aasawa ka na, kailangan na may makatulong sa kanya para maliwangan siya.

Maaaring isang taong malapit sa kanya.

Focus ka lang ng todo sa gf mo, sabihin mo sa kanya ang lahat tungkol sa ex mo para hindi siya mag-alala sa nalalapit ninyong kasal.

Basta i-assure mo sa kanya na siya na talaga ang napili mong maging asawa.

Wala namang maggawa ang ex mo kung hindi mo na siya kakausapin. Pero kung bibigyan mo pa siya uli ng pagkakataong makausap kayo, magiging malaking hadlang ito sa inyong pag-iisang dibdib ng gf mo.

Kaya mag-isip-isip ka at lumayo sa temtasyon.

DR. LOVE

CARLA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with