Bumigay ang katawang lupa... Gigi de Lana naaksidente, nalupaypay, nawalan ng malay habang kumakanta sa ilocos!
Hindi kinaya ng katawang lupa ni Gigi De Lana ang pagod.
Literal na hindi siya nakagulapay at tuluyang nawalan ng malay habang kumakanta ng Noypi sa Himala sa Buhangin! Arts and Music Festival Day 2 sa Ilocos Norte na ang nag-organized ay ang office ni Governor Matthew Marcos Manotoc.
Kitang-kita sa mga video na nagkalat na bigla na lang siyang lumupaypay habang kumakanta sa stage at nakaupo. Nakatungo lang siya at hindi makakanta hanggang lapitan na siya ng mga kabanda.
Binuhat siya sa kinauupuan para sa first aid.
On the way sa nasabing event ay naaksidente na ang sinasakyan nila galing sa Sulong Aurora Event.
Naglabas sila ng official statement sa naganap na aksidente :
“Gigi De Lana and The Gigi Vibes was involved in a car accident today at 10:20 am while traveling from the “Sulong Aurora Event” to the “Himala Sa Buhangin Event in Ilocos Norte.” The band members, Jon, Oyus, Mela, Gigi, and four other crew members, sustained minor injuries.
“Fortunately, no one else was involved in the accident, and all issues have been resolved. The band and crew have received medical clearance from the Ilocos Training and Regional Medical Center Hospital, and they will continue their journey to tonight’s show.
“We express our gratitude to the LGU of San Fernando La Union, the LUPPO, and Mr. Erickson Dinglasan for their assistance during this unexpected incident.
Maraming Salamat Po!”
Wasak ang harapan ng kanilang van.
Kita sa hitsura ni Gigi ang pagod pero napuri pa rin siya na kahit naaksidente ay tinuloy ang commitment sa Ilocos. Hindi nga lang natapos at bumigay na ang katawan niya.
“Mga taga-Ilocos Norte, mahal namin kayong lahat! Babalik kami at magsasaya tayong muli, Pramis yan! ” pangako nila sa kanilang FB account.
Mensahe naman ng ibang followers niya na magpahinga rin pag may time.
In other words, ‘wag naman daw sanang tanggapin lahat ng raket.
Meron pa sana silang gig sa Nueva Ecija kagabi pero kinansela na nila. “Babawi po kami, and we promise to deliver a show that’s worth the wait. Maraming salamat sa inyong taos-pusong pagmamahal!” naka-post ulit sa account ni Gigi.
Sumikat nung pandemic si Gigi at ang kanyang banda.
At siya ang unang local artist na nag-concert nung medyo lumuwag na ang health protocols sa pandemic.
- Latest