Dear Dr. Love,
Isang masayang pagbati ang ipinaaabot ko sa iyo. Tawagin mo na lang akong Elsa. Problema ko po ang aking biyenang babae na kung ituring ako ay isang katulong.
Noong una ay natitiis ko pa siya. Pero nang mag-asawa ang kapatid ng mister ko, roon din sila nakipisan at espesyal ang trato ng biyenan ko sa babae.
Hindi siya inuutusan at binabawalan pa na tulungan ako.
Sabi ko sa asawa ko, bumukod na kami pero ayaw niya. Matanda na raw ang nanay niya at hindi pwedeng iwanan.
Masyado na akong naiirita dahil ako ang tagalaba at tagaluto at lagi pang kinagagalitan.
Ano ang gagawin ko? Hindi ko na alam kung hanggang kailan ako makakatagal sa ganitong situwasyon.
Elsa
Dear Elsa,
Kung ako ang asawa mo, talagang dapat kayong bumukod sa pangmamaltrato ng bi-yenan mo.
Kaso iba ugali ng mister mo. Sa bagay na iyan ay wala tayong magagawa dahil siya ang lalaki.
Ikaw ang dapat maging matapang na maggiit sa kanya na humiwalay kayo. Tagubilin iyan ng Diyos na kapag ang lalaki at babae ay magpapakasal, bubukod sila at bubuo ng sariling pamilya
Dapat ding kausapin ng asawa mo ang kanyang ina at sa paraang mahinahon ay pagsabihan siya na huwag kang ituring na kasambahay.
Hangad ko ang pagkakaunawaan sa pagitan ninyo ng iyong biyenan at sana dumating ang araw na maging lantad sa mata ng iyong mister ang ‘di makatwirang trato sa iyo ng kanyang ina. Nang sa gayon ay makumbinsi siyang bumukod na kayo.
Dr. Love