Dear Dr. Love,
Umaasa ako na mabibigyan mo ako ng mahalagang payo sa aking problema. Tawagin mo na lamang akong Bodjie, 25 anyos at may asawa.
Noong binata pa ako, maganda na ang aking trabaho sa isang bangko bilang accountant hanggang maging branch manager.
Hindi mo naitatanong, nag-iisa akong anak ng mama ko na single parent.
Itinaguyod niya akong mag-isa hanggang matapos ng accountancy. Dalawang beses akong bumagsak sa cpa exam kaya na-discourage na akong mag-take uli.
At least nakahanap ako ng trabaho at dahil sa sipag at tiyaga, na-promote ako bilang manager.
Nang magpaalam ako sa mama ko na mag-aasawa na ako, tumutol siya pero dahil mahal ko ang nobya ko ay hindi ako napigilan. Umiiyak siya na pinalayas ako at isinumpang mawawasak ang buhay ko.
Tatlong taon na akong kasal at hindi kami pinalad na magkaroon ng anak. May stage 4 cancer sa ovary ang misis ko.
Ito kaya ay epekto ng sumpa ng mama ko? Ano ang gagawin ko, Dr. Love?
Bodjie
Dear Bodjie,
Ang pinakama-buting gawin ninyong mag-asawa ay lumapit sa inyong ina at hingin ang pagpapatawad niya.
Walang masama sa ginawa ninyo pero ang magulang ay magulang.
Sa Biblia, ang blessing o curse ay puwedeng ibigay ng magulang sa anak at sa maraming pagkakataon, ito ay tumatalab.
Kung hindi kayo patawarin, idulog ninyo sa Diyos ang problema at hingin, sa Pangalan ni Jesu Cristo na kalagin ang sumpa.
Basta’t sumampa-lataya kayo at dara-ting ang himala sa buhay ninyo.
Dr. Love