Dear Dr. Love,
Kumusta po kayo? Tawagin n’yo na lang akong Adelfa, 24 anyos. Mahal ko ang aking kinakasamang si Lino at maganda ang simula ng aming pagsasama na may tatlong taon na ngayon.
Pero umasim ang aming relasyon dahil sa pagiging sobrang selosa ko.
Tatlong beses niya akong nahuhuling nagbabasa ng mga text messages sa cellphone niya.
Sinabihan niya ako na kung gusto kong magtagal ang aming pagsasama ay huwag akong makikialam sa mga message niya dahil wala siyang ginagawang masama.
Wala naman akong nabasang text message na dapat akong maghinalang may babae siya , pero hindi ko mapigilan ang udyok na basahin ito kapag nakalapag sa mesa ang kanyang cellphone.
Nahuli niya akong muli at sinabihang maghiwalay na lang kami kung wala akong tiwala sa kanya.
Nang oras na ‘yun ay lumayas siya at hanggang ngayon ay hindi na siya nagbalik.
Pagpayuhan mo po ako kung ano ang dapat kong gawin.
Adelfa
Dear Adelfa,
Ang walang basehang selos ay kumiki-til sa relasyon. Hindi masamang magselos kung may batayan at nasa katuwiran.
Hayaan mo na sabihin ko na hindi ko pinapaboran ang pagsasamang walang kasal, dahil labag iyan sa batas ng Diyos.
Kung makikipagbalikan ka sa kanya, ang unang maipapayo ko ay magpakasal kayo.
Ang tanong, papayag ba siya?
Kung hindi, mas mabuti kung huwag na kayong magbalikan.
Dr. Love