^

Dr. Love

Nakakahiya talaga

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Ako po si Dang. Kaarawan ng bf ko. Bumisita ako sa kanila. Marami ang handa at marami rin palang bisita. Ang akala ko ay sila ng pamilya niya lang ang naroon. Hindi naman niya nabanggit na maraming tao sa kanila.

Masaya naman kaso nang tawagin ako ng nakatatandang kapatid niya para pakantahin, nabigla ako! Hindi talaga ako marunong kumanta.

At never ko pang nasubukang kumanta sa harapan ng maraming tao. Kung kami lang ng bf ko at sa ibang lugar ay malamang marami akong makakanta.

Pinakanta ba naman ako ng “Gusto ko ng Bumitaw” eh sobrang taas nun. Grabe pinilit ko lang ang sarili ko para lang sa bf ko. Gusto ko ng magmura hindi lang bumitaw.

Talagang feeling ko, nakakahiya ang ginawa ko. Naghalo ang malamig na pawis at tanggal lahat ang make-up ko sa mukha. Nauna pang bumigay ang beauty ko.

Anyway, I end up sa isang nakakatawang eksena. But ok lang napasaya ko naman ang bf ko. Ewan ko lang kung na turn-off ang pamilya niya sa boses ko.

Dang

Dear Dang,

Ang mahalaga napagbigyan mo ang kapatid ng bf mo at napasaya mo silang lahat. Lalo na sa ginawa mong pagkanta para sa kaarawan ng bf mo.

Talagang minsan nasusubok ang ating lakas ng loob at kahihiyan, mabuti at sinakyan mo ang kanilang trip nung araw na ‘yun.

May mga tao kasi na masyadong siniseryo ang buhay. Kaya sa mga ganyang sitwasyon, bigla rin nagbabago ang kanilang mood.

May mga karanasan din akong ganyan nang sumali ako ng choir, pinaalis ako ng conductor dahil wala raw ako sa tono. Hindi kasi ako umamin na ako ang wala sa tono. Kaya nang ituro niya ako, nagtawanan ang lahat. Pero may natutuhan ako ng araw na iyon, ang tanggapin na wala ako sa tono. Hayan dalawa na tayo. Sige, belated happy birthday sa bf mo.

DR. LOVE

BF

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with