^

Dr. Love

Sariling desposisyon ang pairalin

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Ako po si Yvan. Pinag-aawayan namin ng misis ko ang paghingi ko ng pabor sa mama ko. Bago pa lang kaming nagsasama. Noong December lang kami ikinasal. Alam ko naman na dapat marunong na akong magdesisyon para sa aking asawa at magiging anak.

Nasanay lang kasi ako na humingi ng tulong sa mother ko. Kung may mga bagay kaming pagdedesisyunan, humihingi ako ng tulong sa mother ko. Pero hindi naman lahat ng desisyon kay mama ko pinapasa. Ito ang ikinasasama ng loob ng misis ko. Bibili sana kami ng ref, kaso hindi kami magkasundo. Ang gusto kong ref ay maliit lamang. Pero ang gusto ng misis ko ay medyo malaki. Para nga raw mas marami ang mailalagay. Kinunsulta ko si mama. Ganoon din naman ang gusto niya, wala naman sanang problema dahil magkapareho naman sila ng desisyon. Ang ayaw niya, bakit kailangan ko pa humingi ng payo sa aking ina. Katwiran ko, wala naman sanang dapat pagtalunan doon. Dati pa naman akong humihingi ng payo sa mama ko. Pero ang katwiran niya, hindi ko raw siya pinakikinggan at mas pinahahalagahan ko pa raw ang desisyon ni mama.

Yvan

Dear Yvan,

Una, may asawa ka na kaya kung mag-dedesisyon ka ang una mong tanungin ay ang asawa mo. Saka ka lang humingi ng tulong sa mama mo kung talagang hindi kayo makapagdesisyon para sa inyong dalawa. Dapat matuto ka nang magdesisyon para sa sarili mong asawa’t at magiging anak. Humi-ngi ka ng patawad sa misis mo at mangako kang hindi mo ipagsasawalang bahala ang desisyon niya. Be mature enough. Kailangan ng pamilya mo ang tamang desisyon mo, maging ito man ay para sa maliit o malaking bagay.

DR. LOVE

YVAN

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with