^

Dr. Love

Multo ng lumipas

Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Masayang pagbati sa iyo, Dr. Love. Sana ay masaya ka sa pagtanggap mo sa sulat ko’ng ito, hindi tulad ko na laging binabagabag ng multo ng aking nakaraan.

Tawagin mo na lang akong Aurelio, 38  anyos na matatawag mong responsable at mapagmahal na ama ng tahanan. Sa panlabas, aakalain mong masaya ang aking buhay, may asawa sa piling ng aking misis at dalawang anak na ang isa ay hindi sa akin kundi bunga ng kataksilan ng akin asawa, sampung taon na ang nakararaan.

Halos masiraan ako ng bait nang masaksihan ko ang kataksilan ng aking asawa sa sarili naming silid. Katalik niya ang kanyang dating kasintahan. Hindi ko kinaya ang aking nasaksihan at hinimatay ako pagbungad ko sa aming silid.

Nang magkamalay ako ay nasa pagamutan na ako na ang nagdala sa akin ay ang aking kapatid na nagkataong dumalaw sa aming tahanan. Hindi na niya inabutan ang misis ko at ang kalaguyo nito.

Matagal bago kami nagkausap ng aking misis.  Umiiyak siyang bumalik sa bahay namin at humingi mg tawad. Nangakong hindi na siya uulit. Pinatawad ko siya sa kabila ng pagtutol ng aking mga kaanak.

Talaga namang nagbago na siya at tumupad aa pangako. Itinuring kong anak ang magiging anak niya sa ibang lalaki.

Kahit isang dekada na ang lumipas, minumulto pa rin ako ng nakaraan. Mahal ko ang asawa ko at isang anak pero ang ipinakikita kong pagmamahal sa bunga ng kanyang kataksilan ay pakitang tao lang. Paano mawawala ang multong ito sa buhay ko?

Aurelio

Dear Aurelio,

Hindi kita masisisi kung ganyan ang nadarama mo. Gayunman ay hinahangaan kita. Nagdesisyon kang magpatawad sa asawa mo at tinanggap ang kanyang naging anak sa kabila ng sakit na idinulot nito.

Sa mata ng Diyos, kalugudlugod ang ginawa mo. Isipin mo na lang na ang ginawa mo ay isang desisyon bunsod ng pagnanasa mong sundin ang tagubilin ng Diyos na magpatawad tayo sa isa’t isa.

Ganyan din ang Diyos sa atin. Sa kabila ng malaking pagkakasala natin ay pinatawad niya tayo at iyan ay isang dakilang halimbawa na dapat nating tularan.

Dr. Love

DR.LOVE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with