Buking sa pinag- sabay-sabay na gf

Dear Dr. Love,

Tawagin n’yo na lamang po akong Sherlyn. Ang akala ko, ako na ang tunay niyang mahal, pero nagkamali ako. Mabait siya sa akin. Actually mag-3 years na kami. Umasa ako na ang lahat ay totoo pero hindi pala, marami pala kami. Nahuli ko lang nang mag-chat siya sa akin ng I love you at marami pa siyang sinasabi sa chat na hindi ko naman concern, pero iba ang pangalan ng girl na binabanggit niya.

Tama pala ang mga naririnig ko tungkol sa kanya.  Ayoko nga sanang maniwala kaso ng tanungin ko siya, umamin siya na tatlo pala kaming pinagsabay-sabay niyang gawing gf.

Kaya pala marami siyang mga excuses kapag inaaya ko siya.

Noong pandemic pa pala niya ako niloloko.

Ako ang huli niyang biktima. Sayang, nagtiwala pa naman ako sa kanya at umasa sa magandang future. Hindi pala talaga dapat magtiwala ng lubos sa mga guys.

Mabuti na rin ‘yun hangga’t maaga pa nalaman ko agad. Wala akong pagsisisihan sa huli.

Sherlyn

Dear Sherlyn,

Mainam nga na nagkamali siya ng chat, may ebidensiya ka na.  Ang maganda ay umamin siya sa iyo. Patawarin mo man siya, hindi mo na dapat pang pagkatiwalaan.

Sayang talaga! Siya ang dapat magsisi sa ginagawa niya. Kawawa naman ‘yung ibang girl kapag nagkataon.

Mabuti ikaw ay nakalaya na sa kanyang panloloko.  Pero paalala ko na hindi lahat ng guy ay katulad niya, may mga totoong mabait at mapagkakatiwalaan.

DR. LOVE

Show comments