^

Dr. Love

Nasiraan ng bait

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Nais ko po sanang ikunsulta sa inyo ang kalagayan ngayon ng kaisaisa kong anak na si Reginald, 29 anyos. Nawala sa katinuan ang kanyang pag-iisip mula nang mamatay sa pagsilang ang kanyang asawa na si Mildred. Pati ang unang sanggol nila ay namatay rin.

Isang computer engineer ang anak ko na mataas na ang posisyon sa pinagtatrabahuhan niya sa Montreal, Canada. Katunayan, nakatakda na sanang mag-migrate ang kanyang asawa at magiging anak pero dumating ang mapait nilang kapalaran.

Umuwi sa Pilipinas si Reginald bago ma-nganak ang asawa niya. Nang parehong mamatay ang kanyang asawa’t anak, nasiraan na siya ng bait kaya hindi na nakabalik sa Canada.  Three years na sa ganung kalagayan ang a-king anak at siya ay naging pasanin na namin ng aking mister.

Kapag nakakainom siya ng gamot ay nagbabalik ang katinuan niya pero pansamantala lang. Hindi dapat matigil ang pag-take niya ng medication. Nais ko sana ay magbalik na siya  sa normal.

Ano ang gagawin ko?

Nanay Ineng

Dear Nanay Ineng,

Dapat siguro ay makahanap siya ng trabaho kahit sa Pilipinas. Maganda ang kuwalipikasyon niya at napapanahon ang kanyang propesyon.

Hikayatin ninyo siyang maging abala at baka kung may trabaho siya ay tuluyang manumbalik ang normal niyang pag-iisip.

Tutal, manageable naman ang kondisyon niya kung may iniinom na gamot, puwedeng puwede siyang magtrabaho. Malay natin, makatagpo siya ng bagong pag-ibig?

Dr. Love

REGINALD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with