Dear Dr. Love,
Tawagin na lamang ninyo akong Ken. Nagtataka lang kasi ako sa sarili ko, ang bilis kong magkaroon ng gf kaso inaayawan ko agad. Minsan, binibiro ako ng tropa baka hindi raw ako para sa babae, dahil mas mapili pa ako sa kanila.
Mababait naman ang nagiging gf ko. Magaganda rin naman sila. Pero mga ilang buwan lang eh, parang nasusuya o nawawalan na ako ng gana sa aming relationship.
Hindi ko naman pinagyayabang na nagiging gf ko sila. Parang may hinahanap kasi ako sa isang babae, bukod sa ganda at kabaitan.
Hindi ko rin ugaling manloko tulad ng iba. Basta may gf ako, sakto lang… hindi ako nanliligaw sa iba.
‘Yung nga, ‘pag nakikita ko na hindi ako masaya sa kasama ko, inaayawan ko na siya.
Sana po mahanap ko na ang babaeng magpapatibok ng puso ko ng tunay.
Kasi kaka-break lang namin ng gf ko, medyo nakakahinayang pero wala…biglang nawala ang spark. Nanlumo ako agad. Siguro sadyang may hinahanap lang ako. Pero hindi naman ako mabusisi tulad ng inaakala ng mga katropa ko.
Ken
Dear Ken,
Hindi ka masaya dahil hindi pa dumarating ang tunay na pag-ibig para sa iyo. Kailan yun? Ikaw lang ang makasasasgot n’yan. Tama naman ang ginagawa mo, kaysa magpanggap ka na masaya ka at paasahin mo ang isang babae at maging honest na lang.
Ganun lang, just stay nice sa mga nagiging gf mo at sa mga bagong nakikilala mo. Ipagdasal mo rin na ibigay na ni Lord ang talagang para sa iyo. Isang babae na masasabi mong siya na nga.
DR. LOVE