^

Dr. Love

Dahil sa tattoo

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Kasintahan ko si Merryl at sa lahat ng mga naging jowa ko, siya ang aking sineryoso at minahal ng totoo. Si Merryl ay 23 anyos at ako ay ganoon din. Pareho kaming nagtapos ng med tech.

Tawagin mo na lang akong Robin. Nang ipakilala ko siya sa mga parents ko, pareho silang tumutol. Ang dahilan, may mga bulaklak na naka-tattoo sa kanyang isang binti.

Lalong tumutol sila nang sabihin ko na si Merryl ang babaeng gusto kong pakasalan. Sa paniniwala nila, hindi siya disenteng babae dahil sa marka sa kanyang balat.

Hindi ko sinabi kay Merryl ang impresyon nila sa kanya dahil ayaw ko siyang magdamdam. Siya ang perfect partner para sa akin. Hindi naman sa tattoo nakikita ang kabutihan at kasamaan ng tao.

Ano ang dapat kong gawin?

Robin

Dear Robin,

Nagagandahan ako sa babaeng may tattoo pero hindi ko pinapaboran. Maganda lang ang tattoo sa mga nakababata pero sa pagtanda nila at mukha na silang lola, nakakatawa na itong tingnan.

May mga nakikita ako ngayon na matatanda nang babae pero taglay pa rin ang tattoo nila nang bata pa sila. Napapangitan ako.

Pero hindi dapat maging hadlang ang pagkakaroon ng tattoo para ang babae ay hindi seryosohin ng lalaki. Nasa gulang ka na at ang desisyon mo, lalo na sa pag-ibig ay hindi dapat panghimasukan ng iyong mga magulang.

Dr. Love

MERRYL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with