Dear Dr. Love,
Tawagin na lamang po ninyo akong Eliot. May nililigawan po ako. Kaso ang sabi niya sa akin huwag muna raw po akong maging aggressive sa panliligaw dahil gusto raw ng parents niya na mag-focus siya sa kanyang pag-aaral.
Pero kapag ‘yung isang guy na nanliligaw sa kanya, pumapayag siya makipag-date at ihatid sa kanilang bahay. Siguro mas type niya ‘yung guy na ‘yun kasi may pera at may car.
Ako ay simpleng manliligaw lang. Gusto ko sanang makipagsabayan ng ligaw kaso nakikita ko na mas malapit siya sa guy na iyon.
Kung magpupumilit ako baka lalo lang akong ma-reject. Sinabihan na nga niya akong maghinay-hinay sa panliligaw ko sa kanya.
Tinanong ko na rin ang tropa niya, hindi naman daw niya close dati ‘yung guy na iyon, naging klasmeyt niya lang sa isang subject tapos ‘yun na, hindi na ko makaporma.
Pumorma man ako, wala naman akong ibubuga. Itutuloy ko pa po ba ang panliligaw ko?
Elliot
Dear Eliot,
Una, ganyan talaga kapag manliligaw ang mga lalaki. Kailangang harapin mo ang lahat ng pagsubok sa iyo ng babae.
Pwedeng sinusubukan ka lang niya kung gaano mo siya kamahal. Mahirap minsan basahin ang takbo ng nararamdaman ng babae sa isang guy.
Kaya mas mainam na tuloy ka lang, pero ‘yun nga hinay-hinay lang.
Mas mainam na makilala kang lubos ng girl para matimbang niyang mabuti kung sino sa inyo ang mamahalin niya.
Wala naman sa kung sino ang mayaman o ang mas pogi. Ang hinahanap ng isang babae ay kung magiging masaya siya sa bf niya at symepre ‘yung mahal siya.
Kaya tiyaga lang. Siya pa rin naman ang masusunod kung sino sa inyo ang sasagutin niya. Kung ‘yung guy, manligaw ka na lang ng iba. Kung ikaw naman ang gusto, eh ‘di panalo!
DR. LOVE