^

Dr. Love

First time magka-bf

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin na lamang ninyo akong Marinelle. Isang communication student.

Ang hirap pala magka-bf, first time ko lang kaso parang nasasakal ako.

Lahat kasi ng kilos ko, pinapasin niya. Pati ang suot ko. Lalo na ang mga post ko sa tiktok, Instagram at fb account ko.

Alam naman niyang medyo liberal ako at hindi ako sanay sa mga simpleng damit at wala sa fashion.

Pangarap ko talagang maging model. Kaso hayun pinag-aaawayan namin ang mga engagements ko… mag-ingat daw ako baka pagpiyestahan ako sa social media.

Alam ko naman ang limitation ko. Ni ang parents ko hindi ako pinagbabawalan, suportado nila ang mga gusto kong mangyari sa buhay. Pati ang pagsagot ko sa kanya ay may permission ng parents ko.

Eh, baka kung hindi niya ako papayagan sa mga gusto kong gawin, eh baka hindi ko na ituloy ang relationship namin.

Napapansin ko kasi napaka-insecure niya.

Marinelle

Dear Marinelle,

Alam mo, hindi mo masisisi ang bf mo. Lalo na kung maganda ka. Syempre ayaw niyang maabuso o mabastos ka ng iba.

Baka naman nagpapaalala lang siya. Mainam din ‘yun. Pero kung sobra na sa limitasyon niya eh ikaw ang magdesisyon.

Sundin mo lang muna kung ano ang mga sinasabi niya. Kung hindi ka na nagiging masaya, sundin mo ang alam mong mas higit na makatutulong.

Dapat sa mga bf, suportado ang kanilang partner. Kung tayo nga mga lalaki, naiilang kapag paulit-ulit ang sinasabi, ganun din naman ang mga babae.

Isang paalala lang, pwedeng pag-usapan ng maayos ang lahat.

DR. LOVE

 

BOYFRIEND

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with