^

Dr. Love

Lady cop na-in love sa snatcher

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin mo na lang akong Lady Cop, undergraduate sa kursong criminology at nagtatrabaho bilang isang pulis. Enjoy naman ako dahil maliit pa lang ako ay pangarap ko nang maging alagad ng batas.

Eksperto ako sa martial arts lalo na sa Jiuditsu.  Minsang ako ay nasa labas, may babaeng nagpasaklolo dahil inagawan ng kanyang bag. Hinabol ko ang mandurukot at ginamit ko ang aking alam sa judo para mahuli siya.

Na-recover ang bag na ini-snatch niya at naisoli sa babae. Nakiusap sa akin ang snatcher, may malubhang sakit daw ang misis niya kaya nagawa niyang magnakaw. Sa una ay hindi ako naniwala sa kanyang alibi.

Upang patunayan, isinama niya ako sa ospital. Sa kasamaang palad ay namatay na ang misis niya at hindi na namin inabutan. Naawa ako sa kanya nang humagulgol siya ng malakas. Mayroon silang dalawang anak. Naging magkaibigan kami at matapos ang walong buwan ay nanligaw siya sa akin.

Nakita ko ang kagandahang loob niya at sinagot ko siya. Galit na galit ang aking ex-boyfriend na isa ring pulis na nagbantang ililigpit siya. Ano ang gagawin ko?

Lady Cop

Dear Lady Cop,

Sigurado ka ba sa damdamin mo o nadala ka lamang ng awa sa kanya? Dapat, tiyakin mo na mahal mo talaga ang lalaking iyan para hindi ka magsisi sa dakong huli.

Pakaisipin mo ang iyong magiging kinabukasan kung mapapa-ngasawa mo siya. Ni hindi niya nakayang tus-tusan ang pagpapagamot sa misis niya, paano pa kung siya ang pipiliin mong asawa gayung may dalawa pa siyang anak?

Sa kaso ng dati mong boyfriend, nakakatakot ang kanyang banta. Isa siyang pulis na may bitbit na sandata at maaaring hindi siya mangiming gamitin ito sa laki ng galit niya sa bago mong ka-sintahan.  Pero subukan mong pagsabihan siya ng mahusay para kalimutan niya ang kanyang balak.

Propesyon niya ang nakataya kung gagawa siya ng isang krimen. Buong buhay niya ang mawawasak kapag nakalaboso siya at mawalang ng propesyon.

Dr. Love

LADY COP

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with