Insecure dahil sobrang tangkad
Dear Dr. Love,
Tawagin na lamang ninyo akong Mac. Actually hindi ako takot magkasyota kaso parang takot sa’kin ang mga babae.
Hindi ko naman sila tinatakot. Ganito lang talaga ang boses ko, malaki. Sa sobrang laki ko para na akong isang higante.
Hindi naman ako makapaglaro ng basketball dahil sa bigat ng katawan ko. Isa pa, feeling ko hindi ako ganoon kagwapo.
Kaya nai-insecure ako dahil nga parang nagugulat ang mga babae kapag nakikita nila ako.
May mga babaeng crush ko pero feeling ko, hindi ako papatulan. Sobrang tangkad ko kasi.
Para kasi akong may kasamang anak o kaya isang babaeng may kasamang tikbalang.
Wala pa naman sa mukha ko ang tikbalang pero ang duda ko, natatakot lang din silang sabihan ako.
Mac
Dear Mac,
Huwag mo namang hamak hamakin ang iyong sarili. Huwag mong tingnan ang kakaiba mong itsura as negative.
I’m sure, maraming kang pwedeng maging asset dahil matangkad ka. Sabi mo malaki ang boses mo, pwede mong i-try na mag-podcast online.
Ang bawat tao ay may iba’t ibang kakayahan. Kailangan mo lang tuklasin ang sa’yo, tanggapin ito at pagyamanin.
Higit na makakatulong para ma-build ang confidence mo kung magpo-focus ka sa be-nefits ng pagiging matangkad.
Sa totoo lang, marami ang naghahangad ng extra-ordinary height na gaya ng sa’yo. Iilan lang kasi sa mga Pinoy ang matangkad.
Alam mo, hindi naman talaga kailangan na gwapo ka para ma-in love sa iyo ang isang babae.
May mga lalaking maliit o punggok pero maganda ang gf. Kailangan mo lang pagkatiwalaan ang iyong kakayahan. Just be yourself and stay nice to others.
Dahil hindi lahat ay magagawa nating i-please, hindi mo kailangang ipagpilitan ang iyong sarili sa taong ayaw sa’yo.
Mayroon ding magkakagusto sa iyo kung mananatili kang humble at may respeto sa iba.
May mga gwapo nga pero medyo bastos. Syempre ayaw ng mga babae ang ganoon.
Take courage, tiwala lang!
DR. LOVE
- Latest