^

Dr. Love

Nagbagong tadhana

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Minsan, may mga pagbabago sa buhay na masakit. Lalo na kapag nasa maganda kang katayuan na hindi mo akalaing magbabago para isadlak ka sa malungkot na situwasyon.

Ganyan ang nangyari sa buhay ko na hanggang ngayon ay iniinda ko pa rin ang hapdi ng kabiguang ito. Iyan ang dahilan kaya lumiham ako sa iyo para humingi ng mahalaga mong payo.

Ako po si Nelson, 25 anyos at binata. May kasintahan ako na mahal na mahal ko, tawagin mo na lang siyang Regine. High school palang ay magkasintahan na kami. Akala ko kami na talaga ang meant for each other. Lagi naming pinag-uusapan noon ang aming kinabukasan. Magaganda ang aming mga plano para sa aming dalawa.

Si Regine ay nakapagtapos ng medicine kaya madaling nakapag-migrate sa USA.  Ako, dahil mahirap kami, first year college lang ang natapos ko.

Nangako sa’kin si Regine na babalikan niya ako para magpakasal kami. Pinanghawakan ko at pinaniwalaan ang kanyang pangako.

Pero hindi na niya nagawang magbalik dahil nag-asawa na siya ng isang Filipino-American. Hindi ako makapag-move-on. Ano ang dapat kong gawin?

Nelson

Dear Nelson,

Sabi nga, nangyayari ang lahat ng bagay dahil may magandang layunin. Sa kaso mo, ipinag-adya ka ng Panginoon sa kapahamakan, bagay na dapat mong pasalamatan.

Buti na lang at hindi pa kayo kasal ay ipinagpalit ka na niya sa iba. Paano kung ito ay nangyari sa panahong kasal na kayo? Hindi mo ba naisip na mas masakit kung nagkatuluyan kayo at pagtataksilan ka niya? Hindi nangyari ‘yun dahil hindi pinahintulutan ng Diyos, dahil mahal ka niya.

Hayaan mong maghilom ang sugat sa iyong puso at ipagpatuloy mong mabuhay. Marami ka pang makikilalang babae na uliran at karapatdapat sa pagmamahal mo.

Dr. Love

NELSON

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with