Dear Dr. Love,
Tawagin na lamang akong Gem. Nahahalata ko na parang nagpaparamdam ang kapatid ng bf ko sa akin.
Alam naman niyang mahal na mahal ko ang kanyang kapatid.
Nasa abroad sa ngayon ang bf ko. Naalala ko na naikwento niya na crush na crush daw ako ng kapatid niya.
Hindi ko naman pinansin ‘yun. Ni hindi pumasok sa isip ko na talaga palang seryoso ang kapatid niya sa akin.
Heto’t nakakuha siya ng pagkakataon dahil habang wala ang bf ko, lagi siyang dumadalaw sa mall na pinagtatrabahuhan ko.
Tapos hinihintay niya ako para ayaing kumain o kaya manood ng sine.
Noong una ay pinagbigyan ko siya dahil kapatid naman siya ng bf ko. Balewala lang sa akin ‘yun.
Kaso lagi na siyang nag-aaya. Ayoko naman na makarating ito sa bf ko. Magagalit ‘yon, malamang.
Ayoko ring mag-away sila ng kanyang kapatid dahil sa akin. Alam ko naman na mali at unfair sa bf ko kung lagi akong papayag sa mga invitations niya sa’kin.
Wala naman akong inaalalang iba kundi ang bf ko.
Pero ang problema ko ngayon ay kung paano ko pagsasabihan ang kapatid niya. Baka sa bandang huli ako pa ang masisisi.
Gem
Dear Gem,
Tama na hangga’t maaga pa ay dapat mong masabihan ang kapatid ng bf mo.
Talagang unfair para sa bf mo dahil wala siyang kaala-m-alam.
Ang lakas talaga ng amats sa iyo ng kapatid niya, alam na niyang gf ka ng utol niya eh gusto pang sumingit.
Mukhang simpleng problema lang naman ‘yan pero sa mga maliliit na problema nagsisimula ang lahat ng malalaking pro-blema.
Be tough, iha. Huwag mong basta bastahin lang ang mga ginagawa ng kapatid ng bf mo.
Humanap ka ng isang tao na maaa-ring makatulong sa iyo para mapaliwanagan at magising siya sa reyalidad, nang sa gayon ay tantanan ka na.
Gawin mo ito sa lalong madaling panahon pero sa paraan madiplomasya.
Maaaring makatulong kung ipapaalam mo sa bf mo ang ginagawa ng kanyang kapatid, kaysa malaman pa niya ito mula sa iba na maaaring may ibang intensiyon.
DR. LOVE