^

Dr. Love

Selosa ang ikalawang misis

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin mo na lang akong Gerardo, 36 anyos. Nahiwalay ako sa una kong asawa at may anak ako rito na patuloy kong sinusustentuhan at dinadalaw tuwing weekend dahil minor de edad pa at papa’s boy. Ako palagi ang hinahanap.

Kasi naman, hanggang pitong  taong gulang siya ay matiyaga akong nakikipaglaro sa kanya. Lagi siyang nakayakap sa akin sa pagtulog. Umiiyak ng husto nang hiwalayan ako ng kanyang ina.

Three years ago pa nang maaprobahan ang annulment ng aming kasal. The following year, nakilala ko ang bagong misis ko at niligawan. Alam niya na hiwalay ako sa asawa at may anak na nine years old.

Common law wife ko siya dahil nagkaisa kaming magsama muna para malaman kung compatible kami.

Selosa ang ikalawa kong asawa. Nagbabalak pa lang kami na magpakasal. Gusto niya ng itigil ko na ang pagdalaw sa anak ko. Mayroon na rin kaming isang anak na dalawang buwan pa lang ang edad. Nagbabanta pa siyang lalayasan ako kapag hindi ko siya sinunod sa kanyang kagustuhan.

Dr. Love, obligado akong magsustento sa aking unang anak at maaaring makulong ako kapag tinalikuran ko ang aking obligasyon. Mahal ko rin ang anak ko kaya hindi ko matitiis na hindi siya makapiling kahit man lang sa isang araw.

Ano ang gagawin ko?

Gerardo

Dear Gerardo,

Hindi ko batid kung ano ang dahilan at hiniwalayan mo ang una mong asawa. Sa tingin ko, mas karapatdapat kalasan ang kinakasama mo ngayon dahil sa kanyang karamutan.

Kung nagbabanta siyang mag-alsa-ba-lutan pabayaan mo siyang maglayas. Tutal nagkasundo naman kayong magsama muna nang walang kasal para malaman kung compatible kayo. It turns out na hindi, dahil masyado siyang selosa.

Mabuti at hindi pa kayo kasal at kung ako ikaw, kalilimutan ko na ang ganyan balak. Talagang liable ka na idemanda ng una mong misis kung tatalikuran mo ang obligasyon mo sa inyong anak. Gusto ka pa yatang ipahamak ng second wife mo. Hindi selosa ang itatawag ko sa kanya, kundi suwapang.

Humihingi ka ng payo kaya sa ganang akin, iwanan mo na ang kinakasama mo na baka maghatid sa iyo sa kapahamakan pagdating ng araw. Kaya lang, obligado ka na namang sustentuhan ang anak mo sa kanya.

Dr. Love

GERARDO

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with