^

Dr. Love

Gustong mag-back to work

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Sa loob ng limang taon na pagsasama namin ng mister ko, lahat ay ginagawa ko para sa kanya dahil mahal ko siya.

I give up my career as finance officer ng isang bangko para maalagaan ko ang anak namin. Hindi ko naman hangad ang anumang bagay dahil napro-provide naman ng mister ko ang mga pangangailangan namin. Wala rin akong masabing hindi maganda sa kanya kung relasyon namin ang pag-uusapan. Naiinip lang ako sa bahay at napapagod sa kakaasikaso sa asawa’t mga anak ko.

Gusto ka naman magtrabaho uli dahil kinukuha ako ng dati kong boss para sa bago nilang bukas na business. Ewan ko, lagi na lang ba ang magpapasakop sa lalaki ang babae. Wala na ba akong karapatan maghanapbuhay?

Carla

Dear Carla,

Noong kayo ay ikinasal, nangaako ang mamahalin ang iyong mister sa anumang bagay na mapagkasunduan ninyo.

Kung sapat naman ang kita niya, pwede mo rin i-consider na huwag na mag-work. Kailangan ka ng mister mo at mga anak ninyo. Iba pa rin kapag ang mismong maybahay ang naka-hands on sa kanyang pamilya.

Mainam din naman na wala kang stress, na madaragdag sa mga concern mo sa araw-araw. Mag-usap kayong mag-asawa kung ano ang best thing to do. Tingnan mo rin ang magiging situwasyon ninyo sakaling payagan ka ng mister mo na mag-back to work.

DR. LOVE

Dear Crisanto,

Kung inaakala mong ang kawalan ninyo ng anak ay pagmumulan ng problema sa inyong pagsasama, mas ma-buting makipagkalas ka na lang, para minsanan lang ang sakit na madarama niya.

Talagang masakit at mahirap ang maki-paghiwalay.

Pero in a way hindi siya naging tapat sa’yo nang itago niya ang katotohanan na hindi ka niya mabibigyan ng anak.

Kung ipapasya mong pakasalan siya dahil naaawa ka lang, hindi ‘yun ok.

Mabuti nga at hindi pa kayo kasal, at least hindi na mangangaila-ngan ng annulment ang inyong pagsasama.

Dr. Love

CARLA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with