^

Dr. Love

Insecurities

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Magandang araw po sa iyo, Dr. Love! Gusto ko po magpa-advice, may insecurities po kasi ako sa panlabas o pisikal na itsura ko.

Simula po nung bata ako madalas akong ma-bully, tinatawag akong bondying dahil sa katabaan ko.

High school nang matututo akong mag-ayos ng sarili pero pagdating ng college, napabayaan ko na naman ang katawan ko. Problema ko po ang eyebags, pimples at ang malaking pressure ng mga academic tasks. Self-supporting din po kasi ako. May pinapasukan akong part-time job para may maipangtustos ako sa aking pag-aaral.

Hindi ko po maiwasan na maikumpara ang sarili ko sa iba. Hindi rin po ako sanay na nako-compliment, nahihiya po ako ‘pag nasasabihan na may napansing bago sa’kin.

‘Yung ex ko po, napagsabihan na rin ako dati na magpapayat at magpaputi. May konting inis po ako dahil parang walang pagtanggap sa aking itsura. Nakipag-break po ako at ngayon pahinga muna ang puso ko sa pakikipagrelasyon.

Dr. Love, sa tingin n’yo po ba “OA” ako para sa sarili ko? Pakiramdam ko po kasi baka need ko talaga mag-ayos para pumasok sa standards at para matanggap ng marami lalo ng mga boys.

Olive

Dear Olive,

Hindi ka naman “OA” dahil sa totoo lang, normal lang na maramdaman o maobserbahan mo ang pangangailangan sa pag-aayos ng iyong sarili, lalo na’t babae ka.

Tungkol sa mga bagay na pampaganda, hindi na mahirap hagilapin ang mga ito. Dahil marami na ang nasa online-selling. Kailangan lang maging mapanuri at mag-ingat para hindi ka ma-scam.

Ang payo ko, mag-ayos ka pero manatili ka pa ring ikaw. ‘Yung tipong no pretentions. Hindi rin naman kasi ok na bumuo ka ng imahe na hindi naman natural sa’yo, para lang i-please ang mga tao sa iyong paligid.

Depende naman sa tao ang kagandahan. Sabi nga “beauty is in the eyes of the beholder”. Para sa akin, mas simple, mas maganda.

DR. LOVE

OLIVE

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with