^

Dr. Love

Hindi tanggap ni misis  ang mga anak sa ‘labas’

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin na lamang ninyo akong Mike. Tatlo ang naging asawa ko.

Ang isa ay noong college life ko. Alam mo na, sa kasagsagan ng kabataan at medyo matiny idol ang datingan ko, hayun nakabuntis ng maaga. May anak ako sa una kong asawa.

Pero pinaghiwalay rin kami ng kanyang magulang. May communication pa rin naman ako sa kanya at sa anak namin. Kaso ayaw niyang ipakilala sa akin ang aming naging anak.

Nagkaroon ako ng pangalawang asawa. Ang akala ko, magtatagal ang aming pagsasama pero hindi rin dahil mas bata siya sa akin at marami pa siyang pangarap sa buhay.

May anak din ako sa kanya. Matagal din ka-ming nagsama.

Hanggang nakilala ko sa isang business deal itong naging misis ko ngayon. May roon din akong anak sa kanya.

Malalaki na sila, itong bunso ko ay magse-senior high na.

Gusto ko sana na maging magkakakilala ang aking mga anak. Ikinuwento ko sa bunso ko ang lahat. Gusto rin niyang makilala sila.

Pero ayaw ng asawa ko ngayon. Ayaw niyang makita pa ang mga ex ko. Kahit ‘yung mga anak ko lang.

Gusto ko sana na bago ko lisanin ang mundong ito ay makita ko silang magkakasama at matanggap ng misis ko ang mga anak ko sa iba.

Mike

Dear Mike,

Nauunaawaan ko ang nararamdaman mo. Ngunit kailangan nating tanggapin ang katotohanan na hindi lahat ay maaaring mangyari ayon sa ating kagustuhan.

Ang bawat ginagawa natin ay may bunga. Ngayon ay nararanasan mo ang bunga ng iyong ginawa.

Kung hindi man mangyari na magkasama-sama kayo ng mga anak mo, huwag mo silang kakalimutan.

Bilang tatay nila kung may maitutulong ka at kung tatanggapin nila ang tulong mo, gawin mo kung ano ang nararapat.

Kung hindi naman, lagi mo silang isama sa iyong panalangin.

May paraan ang Diyos kung ipagkakaloob niyang magkita-kita kayo ay lubos mo itong ipagpasalamat sa kanya. Kung hindi naman, pasalamat ka pa rin dahil biniyayaan ka niya ng mga supling.

DR. LOVE

MIKE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with