Nasirang ambisyon

Dear Dr. Love,

Tawagin mo na lamang akong Auring, 29 anyos at may asawa. Ang mga magulang ko ay umaasa lang sa biyaya ng kabukiran. Nagtutulungan ang mga magulang ko sa pagsasaka at pag-aalaga ng mga hayop.

Mababa ang aking pinag-aralan. First year high school lang. Dahil dito ay kailangan kong tumulong sa pagtitinda sa palengke sa mga ina-ning gulay ni tatay.

Hindi sa wala akong ambisyon. Pangarap ko na maging physical therapist pero hindi namin kaya ang matrikula.

Naudlot ang pangarap ko nang umibig ako at mag-asawa.

Gusto ko sana makapag-asawa ng mayaman pero sa kasamang palad, walang mayaman na nanligaw sa akin kaya sa isang magbubukid din ako nahulog.

Sa una ay maligaya ang aming pagsasama. Pero ‘di nagtagal, lumitaw ang totoo niyang pagkatao. Tamad siya at inaasa lang sa akin ang pagtatrabaho.

Maaari ko ba siyang hiwalayan?

Auring

Dear Auring,

Kung kasal na kayo sa simbahan o huwes, may kahirapan iyan.

Dahil magastos ang annulment. Sa kalagayan ng inyong kabuhayan ay hindi mo makakayanan ang malaking halaga na kakailanganin para mapawalang bisa ang inyong kasal.

Sa kaso mo ang mabigat na dahilan para ipa-annulled ang inyong kasal ay ang pagkabatugan ng asawa mo.

Maituturing iyan na pagiging iresponsable ng lalaki na dapat siyang bumubuhay sa pamilya.

Ngunit kung hindi naman kayo kasal at nagsasama lang, mabuti ngang maghiwalay na kayo.

Dr. Love

Show comments