^

Dr. Love

Sana dalawa ang puso ko

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Kung naaalala mo ‘yung awiting Sana’y dalawa ang Puso ko, ito ay awiting bagay na bagay sa situwasyon ko. Tawagin mo na lang akong Jimmy.

Umibig ako sa dalawang babae na pareho kong true love. Alam ko na mali pero hindi ko napigilan ang aking puso. Ngayon ay 40 anyos na ako. Pareho kong nakuha ang dalawang babaeng ito. Gayunman, ang isa sa kanila ay nangibang bansa kaya ang pinakasalan ko ay ‘yung isa.

May limang taong lumagi sa Amerika ang isa na ngayon ay nag-asawa na rin at may dalawang anak. Nang magkita kami, lingid sa kaalaman ng misis ko ay nabuo muli ang aming pag-iibigan.

Dalawang buwan ang aming lihim na relasyon hanggang bumalik na siya sa California.

Sinusumbatan ako ng budhi ko ngayon. Batid kong may iniwanan siyang asawang Amerikano. Nagsisisi ako sa aking nagawa pero patuloy akong sinusumbatan ng aking budhi.

Sa kabila nito, tuloy ang komunikasyon namin ng ex ko sa pamamagitan ng video call. Ramdam ko na hook na hook ako sa kanya. Ano ang gagawin ko?

Jimmy

Dear Jimmy,

Kung totoong na nagsisisi ka, ihinto mo na ang patuloy mong pakikipagtalastasan sa dati mong girlfriend na nagbalik na sa Amerika. Ilagay mo ang situwasyon mo sa kanyang asawa na palihim ninyong pinagtataksilan.Palagay ko, kahit ikaw ay hindi mo matatanggap ang ganito.

Kahit pa napakalayo niya sa iyo, ang patuloy ninyong talastasan ay isa pa ring kataksilan sa iyong tunay na kabiyak na walang kamalaymalay sa ginagawa mong pagtataksil.

Ilagay ko ang iyong katayuan sa asawa niya na umaasang faithful sa kanya ang kanyang misis. Ano ang mararamdaman mo kung halimbawang ang sarili mong asawa ay pagtaksilan ka?

Masakit ang pagtaksilan ng asawa lalo na sa isang lalaki. Sabi nga ng golden rule “Huwag mong gawin sa iba ang bagay na ayaw mong gawin sa iyo.”

Dr. Love

AMERIKA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with