Unawa at pasensiya ang pairalin

Dear Dr. Love,

Tawagin na lamang ninyo akong Dodong. Hindi ko alam kong dapat akong magalit sa kapatid ng misis ko. Medyo mababaw lang ang dahilan pero nakakairita at nakakapintig ng tenga.

Kami ang may ari ng bahay, pero siya ng mas matapang sa amin. Hindi ko lang masabi sa misis ko na nabubwisit na ako sa kuya niya.

Nang nagpasemento ako ng bahay, nilagyan ba naman niya ng pangalan niya.. kaya ang ginawa ko binura ko.

Bakit ko raw binura, siguro raw galit ako sa kanya. Ang sabi ko, alam mo na ‘yon. Ganoon lang ang pinag-awayan namin. Sa isang pa-ngalang isinulat sa pader.

Ayokong isipin na sunod sunuran ang misis ko sa kanya. Alam ko na nakakatulong din naman ang kuya niya sa amin.

Pero sa isang banda, parang kailangang ako lagi ang maga-adjust sa kanila.

Dodong

Dear Dodong,

Dapat ang mga kamag-anak ng mag-asawa ay magturingan na isang pamilya. Sa kaso ninyo ng bayaw mo, ang babaw kaya huwag mo na lang siya patulan. Kung mapapalampas, palampasin na lang alang-alang sa iyong misis.

Pero kung sumobra na, sikapin mo pa rin na idaan sa mahinahong usapan. Kung maging magaspang siya, huwag ka paring makipag-away…hingin moa ng ulong ng nakakatanda sa pamilya para silang kumastigo sa iyong bayaw.

Bottomline, sikapin mo na maging mahinahon at kumilos ng may karunungan.

Naniniwala ako na magagawa mo ‘yun dahil nasa iyo ang pang-unawa.

DR. LOVE

Show comments