Dear Dr. Love,
Tawagin mo na lang akong Marc, 19 anyos at papasok na sa college sa susunod na pasukan. Si Sheila ay best friend ko at very close kami magmula pa noong high school. Hindi kami nagtataguan ng lihim.
Madalas siyang humingi ng payo sa akin sa kanyang mga problema. Ang ginagawa ako ay nakikinig na lamang ako sa sinasabi niya at sa dakong huli ay sasabihin ko na ipagpe-pray ko siya.
Ang totoo, mahal ko siya pero nauumid akong magsabi sa kanya. Nangangamba ako na baka akalain niyang sinasamantala ko lang ang aming matalik na pagkakaibigan. Ang sabi niya sa akin, mayroon daw siyang crush pero ayaw naman daw siyang ligawan. Ang challenge ko sa kanya, sabihin niya sa aking kung sino ang crush niya at sa-sabihin ko rin ang crush ko. Aniya, mauna raw muna ako.
Parang nakatali ang dila ko at ‘di ako makapagsalita. Hindi ko masabing siya ang mahal ko kaya itinuro ko na lang iyong isa na-ming classmate. Parang naasar siya sa sinabi ko at nang tanungin ko kung sino ang crush niya, ayaw pa rin niyang magsabi.
Ako kaya ang crush niya?
Marc
Dear Marc,
Sa tingin ko, ikaw na nga ang gusto niya. Siyempre babae siya at hindi niya magawang siya ang manligaw sa lalaking gusto niya. Huwag kang mahiyang magtapat.
Walang masama kahit best friend mo siya for many years.
Sabihin mo ang tunay mong damdamin.Hindi masisira ang inyong pagkakaibigan.
By all indications, ikaw na nga marahil ang tinutukoy ni Sheila. Ang payo ko, ligawan mo siya.
Dr. Love