Dear Dr. Love,
Tawagin na laman ninyo akong Ivan. Hindi ko alam kung bakit ganun siya? Noong hindi pa ako nanliligaw ay parang kami na. Best friend na nga raw niya ako. Sinabi ko na nga sa sarili ko na hindi ko dapat siya ligawan.
Sa araw-araw na magkasama kami, halos alam ko nang lahat sa kanya. Sinabi niya sa akin na lesbian siya, pero hindi ako naniniwala dahil ang alam ko magagalit ang parents niya kapag nalamang lesbian siya. Only girl siya at astig ang dalawa niyang kuya.
Parang gusto ko na ngang maniwala na lesbian nga siya. Kaso kapag magkasama naman kami, dama ko ang lambing niya at kanyang pagkababae.
Nagtapat ako sa kanya na hindi ko na mapigilan ang nararamdaman ko para sa kanya. Hayun sumimangot siya at huwag ko raw siyang biruin, baka iwasan na raw niya ako. Ayaw na ayaw niyang may nanliligaw sa kanya.
Kaya kahit masakit sa kalooban ko, pini-pigilan ko na lang ang sarili ko na ligawan siya.
Sa ngayon parang lagi siyang nagdadahilan kapag inaaya ko siya. Hindi tulad ng dati kapag inaya ko siya, sasama siya agad.
Nahihirapan ako, ayaw ko siyang mawala sa akin.
Ivan
Dear Ivan,
Tuloy mo lang ang magandang pakikitungo mo sa iyong bff. Kahit malaman mong totoo ngang lesbian siya, you need to respect kung ano talaga ang gusto niya sa buhay. Kaya nga siya sumasama sa iyo dahil nauunawaan mo ang kalagayan niya.
Ngayon kung talagang wala siya nararamdaman na tulad ng nararamdaman mo, tanggapin mo ng walang halong panghihinayang.
Ang mahalaga masaya kayong dalawa sa inyong pagiging magkaibigan.
Kung para naman kayo sa isa’t isa, tadhana na ang gagawa ng para matiyak din ng bff mo ang halaga mo sa kanyang buhay.
DR. LOVE