Dear Dr. Love,
Single mom ang aking nanay mula nang namatay ang itay ko, thirteen years ago. Twenty one years old na ako ngayon at dalaga pa. Iginapang mag-isa ni inay ang pag-aaruga sa akin. Tawagin mo na lang akong Celine.
Malaki ang kanyang sakripisyo dahil kahit puwede siyang mag-asawa uli ay hindi niya ginawa para sa akin. Tinuloy niya ang trabaho niya bilang bank manager hanggang maging CEO ng isang financing institution.
Ako naman ay nakatapos ng business administration. At nagtatrabaho na rin bilang branch manager ng isang kompanya.
Mahal na mahal niya ako kaya naging masunurin ako sa lahat ng gusto niya. May inirereto si Inay, anak ng best friend niya.
Pero turn off ako sa kanya, effeminate kasi ang pagsasalita at galaw. Ganun lang daw talaga siya pero hindi bakla. But still natatakot ako.
Baka biglang magladlad at manlalaki. Isa pa, wala akong feelings para sa kanya.
Ano ang gagawin ko?
Celine
Dear Celine,
Mauunawaan ka naman marahil ng mother mo kung bakit ayaw mo sa inirereto niya sa iyo.Ako ay magulang din at ni minsan, hindi ko pinakialaman ang mga personal na desisyon ng aking mga anak nang sila ay nasa wastong gulang na.
Tama ka. Papaano kung sa pagsasama ninyo ay magkaroon siya ng karelasyong lalaki? Tiyak ko na maiintindihan ka ng inay mo kung tututulan mo ang kagustuhan niya para sa iyo.
Dr. Love