Dear Dr. Love,
Tawagin ng lamang ninyo akong Ron. Sino ba naman mag-aakala na ang dalawang youtuber ay nagkakilala dahil sa pagpaparami ng subscribers. Kakatuwa lang, wala kaming face to face contact noon, halos magtatatlong taon na. Nagsimula ang pandemic, nagsara ang computershop namin.
Wala akong choice kundi mag-youtube live stream. Wala akong ideya pa noon kung paano ko mapapasikat ang aking channel. Kaya patuloy akong naghanap ng mga grupo sa youtube para makakuha ng maraming subrscibers at watch hours.
Hanggang sa nakuha ko ang loob ng mga subscribers ko nang isa-isa ko silang tinulungan. Isa na rito ang partner ko ngayon. Tinulungan ko siya sa cooking channel niya.
Simula noon naging close kami, madalas nga nagpaparamihan kami ng matutulungang mga bagong youtubers.
Madali lang kaming nagkaroon ng ads at hanggang sa kumikita na ang aming channel. Marami rin namang challenge dahil may mga bashers na gustong manira ng tao. At may mga marites ding nakikialam sa amin.
Hanggang sa nagkita na kami at tinuloy ko na ang panliligaw sa kanya.
Ang akala ko hindi niya ako matatanggap sa personal dahil mas guwapo ako sa video streaming. Sinagot naman niya ako agad.
Laking pasalamat ko sa youtube admin dahil sa mga kinikita namin. Inuna ko na ang magpatayo ng bahay at nagbabalak na kaming magpakasal.
Katas ng pagod, kakapuyat ko sa youtube, may bunga namang maganda sa aming buhay.
Ron
Dear Ron,
Ang husay naman ng diskarte mo sa buhay. Kaya naman talagang na-bless ka. ‘Yan ang bunga ng iyong dedikasyon. Hindi lang subscri-bers ang natulungan mo, kundi nakilala mo pa ang “the one” para sa iyo. Huwag mo na lang papansinin ang mga bashers.
Keep on vlogging at magkalat ng inspirasyon lalo na sa mga kabataan. Wala talagang imposible sa nagtitiyaga. Tuloy mo lang ang pagtulong mo. Minsan invite mo ako sa youtube livestreaming mo. God bless sa inyong dalawa.
DR. LOVE