^

Dr. Love

Malikmata

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin mo na lang akong Arnold, 23 anyos. Nakakahiya ang karanasan ko sa panliligaw. Naimbitahan ako ng isang kaibigan sa isang party at doon ay nagkasayahan kami. Alam mo na, huntahan, inuman at kantahan.

May guest singer sa okasyon at nang siya ay kumanta, napahanga niya ako sa boses niya at kagandahan niya. Nakasuot siya ng mahabang skirt na hanggang sakong at seksi na blouse na kita ang pusod.

Nang ipakilala siya sa akin ng kaibigan ko, nalaman ko na isa siyang bank teller. Nagkasarlihan kami at sa aking paningin, siya na ang pinakamagandang babaeng nakilala ko. Nagpahiwatig ako ng pagkagusto sa kanya. Niyaya ko siya sa isang dinner date.

Nang magkita kami sa isang fine dining restaurant, nakasuot siya ng mini-skirt. Nakita ko na ang mga legs niya ay sakang at payat, taliwas sa inaasahan ko. Maganda naman ang mukha niya pero hindi kagaya nang una kong makita. Siguro, medyo lasing lang ako noon kaya maganda ang tingin ko sa kanya.

Aaminin ko sa iyo na napahiya ako sa aking sarili. In fairness, mabait siya at very lady-like. Pero ayaw ko nang muling makita siya dahil hindi ko siya type. Hanggang ngayon ay kinokontak niya ako sa messenger para makipagkuwentuhan and as a gentlemen, maayos ko naman siyang kinakausap. Ano ang gagawin ko para madispatsa siya?

Arnold

Dear Arnold,

Napakalupit mo at sa inuugali mo, hindi ka gentleman. Sorry to say that pero iyan ang totoo. Kung sa loob-loob mo ay nagkamali ka, at least ituring mo siya bilang kaibigan man lang sa halip na laitin.

Hindi ko alam kung ano ang gagawin mo. Pero kung ako ikaw, pananatilihin ko ang pakikipagkaibigan sa kanya kahit ano pa ang anyo niyang panlabas. At kung sineryoso niya ang mga nauna mong “paglipad-hangin,” bahala ka nang dumiskarte kung paano mababago ang maling-akala niya sa iyo.

Kung wala ka mang gusto sa kanya, anong malay mo kung magiging napakabuti niyang kaibigan sa iyo at sa kalaunan ay baka pagsisihan mo pa ang panlalait mo sa kanya.

Dapat mong ingatang huwag makasugat ng damdamin ng iba kaya bago ka gumawa ng ano mang bagay, pakaisipin mo munang mabuti kung ang gagawin mo ay tama o mali.

Dr. Love

ARNOLD

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with