Dear Dr. Love,
Ako po si Jeng. Gusto ko lamang pong i-share na hindi lang po sa mga mag-asawa at mag-jowa ang celebration ng valentine.
Gusto ko po kasing magpasalamat kay mama. Sa dalawampung taon na siya nagtiis para maitaguyod kami na kanyang mga anak.
Nang mawala na si papa, si mama na ang gumawa ng lahat ng paraan para kami ay mabuhay ng maayos. Nakapag-aral kaming magkakapatid. Kahit minsan, hirap na hirap na siya, hindi niya sinasabi sa aking mga kapatid.
Nakita ko ang lahat ng kanyang pagluha. Na-ramdaman ko ang sakit ng kanyang kalooban, simula nang magkasakit si papa. Habang siya ay nasa ospital at binabantayan niya si papa hanggang sa mailibing, sobrang bigat ng kanyang kalooban at pagdurusa.
Maraming salamat na rin sa mga kamag-anak ni mama, sila ang tumulong sa amin para maibalik ang sigla niya.
I really dedicate this day ng valentine para kay mama. Alam ko na hindi ko mahihigitan ang pagmamahal ni papa sa kanya. Very thankful ako kay God na binigyan niya kami ng mama na nakapabait at sobrang mapagmahal.
Jeng
Dear Jeng,
Happy Valentine’s Day kay mama mo. Tama naman na para sa lahat ang araw ng mga puso.
Ito ang tamang pagkakataon na pa-salamatan at maipadama natin ang ating pagmamahal sa ating mga magulang.
Sana’y maging ins-pirasyon itong ibinahagi mo sa iba pang mga kabataan ngayon.
Marami na sa mga kabataan ang nakakalimot sa kanilang mga magulang. Mas marami pa silang oras sa social media at online games kaysa sa kanilang papa at papa.
Pinagpapala ng Diyos ang mga anak na masunurin at nakikinig sa kanilang mga magulang.
DR. LOVE