^

Dr. Love

Trese anyos, nakabuntis

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Kay sarap pala na makita ang iyong anak na nagbibinata lalo pa’t lumilitaw ang kaguwapuhan. Noong una ay napapangiti lang ako sa balitang may nililigawan na ang anak kong si Jaypee na katutungtong pa lamang sa edad na trese.

Hindi pa ganap na binata, kundi isa pa lang binatilyo. Siya nga pala, tawaging mo na lang akong Miles, 21 anyos at isang single mother. Si Jaypee ay bunga ng aking kapusukan nang ako ay teenager pa lang.

Dahil dito ay itinakwil ako ng aking mga magulang, kaya natuto akong maghanapbuhay at itaguyod ang sarili ko at ang aking anak.

Ang problema ko ay nakabuntis sa maagang edad ang aking anak at ngayon ay kinausap ako ng parents ng babae. 15-anyos na ang girlfriend ni Jaypee. Dalawang taon ang pagitan nila. Gusto nilang panagutan ni Jaypee ang dinadala ng kanilang anak.

Hindi ko alam ang sasabihin ko. Isa lang akong call center agent at ang kinikita ko ay sapat lang para tustusan ang aming pangangailangan sa araw-araw. Sa public school lang nag-aaral ang anak ko at ang pangarap ko ay makatapos siya ng kolehiyo.

Paano na? Ano ang gagawin ko? Tiyak ko na kung ipakakasal ko sila ay magiging pasanin ko ito dahil lalaki ang aking anak na hindi pa marunong magtrabaho. Pagpayuhan mo po ako.

Miles

Dear Miles,

Pakiusapan mo ang mga magulang ng girlfriend ni Jaypee na pagtulungan ninyong itaguyod ang batang isisilang ng kanilang anak.

Pareho ninyong apo ang bata at sa ayaw at sa gusto ninyo, may responsibilidad kayo dahil kapwa minor de edad ang inyong mga anak.

Parang iisa ang kapalaran ninyong mag-ina, dahil biktima kayo ng kapusukan ng inyong kabataan. Pero hindi ka na dapat sisihin dahil iyan ang iyong naging tadhana at nagsikap ka naman para maitaguyod at mapalaki mo ang bunga ng iyong kapusukan.

Isa pa, kahit gusto ninyo silang maikasal, hindi ito magiging legal dahil bawal sa ilalim ng family code na ikasal ang mga wala pa sa hustong gulang.

Naririyan na ang problema at dapat itong harapin, imbes na iwasan.

Mas mabuti na huwag muna silang magsama at tapusin ang pag-aaral para makasiguro sila na sa sandaling puwede na silang magpakasal ay kaya na nilang magtaguyod ng pamilya.

Dr. Love

 

 

 

 

 

DR LOVE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with