^

Dr. Love

Nabaling sa maid ang pag-ibig

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Mahal ko si Nelia nang siya ay aking pakasalan. Sa limang taon namin bilang mag-asawa, wala pa kaming anak.  Tawagin mo na lang akong Ramil.

Pero paglipas ng panahon, lumitaw ang tunay niyang ugali. Tamad at pabaya sa katawan. Nalulong din siya sa pakikipag-tong its sa kapitbahay. Kahit anong mahinahong pakiusap ko sa kanya, nanatili ang kanyang masamang ugali.

Mayroon kaming kasambahay. Siya si Regine, 45 anyos na siya. Sa loob ng three years na paglilingkod sa aking pamilya, nagpakita siya ng sipag. Maayos lagi ang bahay namin at mahusaysiya magluto.

Nakita marahil niya ang pagkukulang ng asawa ko kaya sinikap niya itong punan. Dahil dito ay nahulog ang loob ko sa kanya. Pero nang mapansin niya ang magiliw kong pakikitungo sa kanya, agad niya akong pinangunahan. Huwag ko raw bigyan ng ibang kahulugan ang mahusay niyang serbisyo. Ginagampanan lang niya ang kanyang tungkulin.

Minsan, habang papaanog ako mula sa ikalawang palapag ay nadulas ako sa hagdanan. Nabali ang aking kaliwang binti at ito ay na-plaster cast ng dalawang buwan. Sa panahong ito, wala akong nakitang pag-intindihin ng aking asawa na si Nelia. Si Regine lagi ang umaasikaso sa akin.

Hindi ko napigilan ang sarili ko kaya nagtapat ako ng pag-ibig sa kanya. Nakita ko na naiyak siya at hindi agad nakapagsalita. Tapos, sabi niya mahal din niya ako at naaawa siya sa akin, pero hindi siya papatol sa isang may asawa.

Nagkaroon kami ng mutual understanding pero iniiwasan namin ang pagdidikit ng aming katawan upang hindi makagawa ng kataksilan sa aking asawa. Wala sanang problema kay Regina dahil biyuda siya.

Tama bang manatili sa bahay si Regine kahit wala kaming ginagawang kataksilan?

Ramil

Dear Ramil,

Hanggang kailan kayo makapagtitimpi? Kung kaya ninyong manatiling “no sex” ang inyong relasyon, puwede siguro na manatili siyang naglilingkod sa inyo.

Kung sana palaging nasa bahay ang misis mo at hindi nagbababad sa sugalan, mangingilag kayo kapwa ni Regine na makagawa ng kataksilan.

Pero nakapanghihinayang din na paalisin ang isang kasambahay na naglilingkod ng maa-yos at tapat.

Kapwa pagsikapan na lang ninyo na hindi mahulog sa tukso at sa sandaling mangyari ito, magpasya ka nang paalisin siya para hindi na lumubha ang situwasyon.

Dr. Love

REGINE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with